(Amas, Kidapawan City/ November 18, 2013)
---Tumungo na kahapon ang team ng Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction
and Management Council (PDRRMC) sa Ormoc City sa lalawigan ng Leyte, isa mga
lugar na matinding hinagupit ng super typhoon Yolanda na nanalasa sa bansa
noong Nov. 8.
Ayon kay Cot PDRRMC Head Cynthia Ortega, Ang
team ay binubuo ng mga employee-volunteers ng Cotabato Provincial government,
mga tauhan ng Cotabato Police Provincial Office at 602nd Brigade ng Phil. Army,
ilang mga miyembro ng search and rescue operations at iba pa.
Dala ng mga ito ang relief goods at iba pang
uri ng tulong na ipinaabot ng iba’t-ibang indibidwal at grupo matapos na
manawagan si Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ng tulong para
sa mga sinalanta ni “Yolanda”.
Kasama sa relief ang mga nakolekta mula sa
mismong mga empleyado ng Cotabato Provincial government at mga donasyon mula sa
iba’t-ibang mga munisipyo ng Cotabato.
Kabilang naman sa relief goods ay mga
pagkain at mga pangunahing pangangailangan tulad ng bigas na sa pinakahuling
bilang ay umabot na sa 250 sako, de-lata, noodles, sabon, gamut, damit, pera at
iba pa, ito ayon sa report ni Cotabato Provincial MEDIA-Jimmy Santacruz.
Lahat ng mga ito ay unang dumating sa
covered court ng Cot. PDRRMC bilang dropping center ng mga relief goods. Kasama
rin sa dadalhin ng composite team ang mga tulong na nalikom mula sa mga
negosyante, paaralan at iba pang mga may mabubuting loob na nagbigay ng tulong.
Bumiyahe ang PDRRMC sakay ng ilang trucks ng
Cotabato provincial government at ilang mga vans na ipinahiram ng mga pribadong
kumpanya at agad na ipamamahagi sa mga
biktima ng super typhoon na hanggang sa ngayon ay hirap na hirap pa rin sa
tindi ng hagupit ni “Yolanda”.
Ayon kay Cotabato Provincial Health Programs
Focal Person Jessie Enid, nakapagsagawa na nang initial coordination ang
kapitolyo sa mga local officials ng Ormoc City para sa relief operation.
Napatunayan na sa maraming pagkakataon na
ang Cotabato provincial government ay nanguna sa paghahatid ng tulong sa mga
kababayang tinamaan ng matinding kalamidad.
Ilan rito ay noong nanalasa ang mga bagyong
“Ondoy”, “Sendong” at “Pablo” kung saan libo-libong tao ang natulungan sa
kanilang pagbangon.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento