(Maguindanao/
November 22, 2013) ---Inihayag ng isa sa mga abogado ng mga naulila sa
Maguindanao massacre na hanggang sa ngayon ay sinusubukan pa ring suhulan ang
mga kaanak ng mga biktima.
Sinabi ni
Atty. Prima Quinsayas, abogado ng mga naulila ng 17 sa mga biktima ng massacre,
ilang beses nang sinubukang suhulan ng mga akusado ang kanyang mga kliyente
mula pa noong taong 2010.
Aniya, ang
inaalok na suhol ay nagkakahalaga ng P250 thousand pesos hanggang P25 million
pesos.
Ang nasabing
suhol ay kapalit ng paglagda ng mga kaanak ng mga biktima na pumirma sa affidavits
of desistance, deklarasyon na ang mga akusado ay hindi sangkot sa Maguindanao
massacre at pagtanggal kay Atty. Quinsayas bilang abogado ng mga naulila.
Gayunpaman,
wala pa namang naririnig si Atty. Quinsayas na nagtagumpay ang nasabing mga
bribe attempts.
Kung may mga
nangyari mang settlement o areglo sa pagitan ng mga akusado at ng mga naulila
ng Maguindanao massacre, hinihikayat niya ang mga itong lumantad para
mapatunayang guilty ang nasabing akusado batay na rin sa rules of court.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento