Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

USM- B’dadali Dance Troupe panalo sa 8th Cotabato Annual Dance Festival

(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 21, 2013) ---Panalo ang USM B’dadali Dance Troupe sa rural folkdance category ng 8th Cotabato Annual Dance Festival na ginanap sa Midsayap, North Cotabato nitong nakaraang Sabado ng gabi, a-17 ng Nobyembre.

Kalakip ng kanilang pagkakapanalo ay ang tsekeng nagkakahalaga ng P10, 000.

Pinabilib ng USM- B’dadali ang mga hurado at mga manonood sa mahusay na interpretasyon nila ng Ilocano occupational dance na ‘Oasioas’.


Inihayag naman ni USM Bdadali Trainer and Coach Jessa San Jose- Buisan ang kagalakan nito sa pagkakapanalo ng grupo.

Ayon kay Buisan, nagpapasalamat sila sa pagkakataong ibinigay ng dance fest organizers na maipakita ang talento ng mga kabataan partikular sa pagsayaw ng mga katutubong sayaw.

Aniya, ang pagsali ng grupo sa dance fest ay nagsisilbi umanong hamon sa bawat grupo ng mga mananayaw na maitaas ang kalidad ng performing arts dito sa lalawigan.

Ito ang unang pagkakataon na sumali ang USM B’dadali sa natukoy na kompetisyon. Roderick Bautista


0 comments:

Mag-post ng isang Komento