(Amas, Kidapawan City/ November 19, 2013)
---Nakiisa rin ang Cotabato School’s Division sa panawagan ng tulong sa mga
nasalanta ng bagyo sa Central Visayas.
Sinabi ni School’s Division Superintendent
Omar Obas, ngayon higit kailanman ay kailangan ng mga biktima ng bagyo ang tulong.
Ito rin umano ang panahon upang maipakita
ang totoong kahulugan ng pasko sa pamamagitan ng taos-pusong pagtulong.
Hinikyat din ni Obas ang mga paaralan na
magkaroon na lamang ng simpleng Christmas party.
Dagdag pa ni Obas, mayroon na ring mga boluntaryong
nagbigay ng cash donations at nagkusang ikansela na lamang ang kanilang
Christmas party at sa halip ay ibigay na lamang na tulong ang pera para sa mga
apektadong pamilya.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento