Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

P350K nalimas sa isang ahente ng rubber cup lump sa Carmen, North Cotabato; suspek, patuloy na tinutugis

(Carmen, North Cotabato/ November 19, 2013) ---Patuloy na tinutugis ngayon ng Carmen PNP ang mga suspek na responsable sa panghohold-up sa isang ahente ng goma sa Purok 7, Poblacion, Carmen, North Cotabato nitong Huwebes (November 14, 2013)  ng umaga.

Ayon sa report ng Carmen PNP abot sa P350,000 ang natangay ng mga hold-aper kay Rex Gillardo, 40-anyos at residente ng nasabing bayan.


Apat na mga suspek ang pumasok sa bahay ng biktima at sabay umanong tinutukan ng baril ang may-ari kasama ang anak nito kaya walang nagawa ang mga ito.

Agad na tumakas ang mga suspek matapos matangay ang limpak-limpak na halaga ng pera.

Sa Kidapawan city naman --- Humugit  kumulang sa P700,000 ang natangay sa isang lending corporation ng mangyari ang robbery hold-up sa Abad Santos St., Kidapawan City nitong Sabado ng umaga (November 16, 2013).

Ayon kay PInsp. Samuel Bascon, posibleng inside job ang nangyari sa PIA lending Corporation na pag-mamay-ari ni Teodulo Pocut makaraang lumalabas sa imbestigasyon na naiwan umano ng vault keeper na bukas ang nasabing vault.

Armado ng kalibre .45 na baril ang dalawang mga di pa nakilalang mga suspek na may dala pang mga bladed weapon at iginapos pa ang dalawang mga kawani ng nasabing establisiemento.

Matapos matangay ang nasabing halaga ng pera ay mabilis na tumakas ang mga suspek sa di malamang direksiyon. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento