(Kabacan,
North Cotabato/ May 15, 2015) ---Binigyan ng tugon ng PCSO management ang
request ng Sagguniang Bayan ng Kabacan hinggil sa paghingi ng karagdagang unit
ng Ambulansiya.
Ito
ang nabatid sa isinagawang SB Session kahapon.
Matatandaang
nagpasa ng ordinansa si SB Member Councilor Herlo Guzman Sr. sa direktiba ni
Maroy Herlo Guzman Jr. na mag request ng isa pang ambulansiya sa siyang tutugon
sa pangangailangan ng mga mamayan.
Kailangan
lamang umanong i-comply ng SB ang mga kaukulang mga requirements upang maibigay
ang nasabing ambulansiya.
Bagamat
mahaba pa ang proseso ngunit inaasahan itong magiging malaking tulong ito
alinsunod sa adhikain ng LGU Kabacan sa pamumuno ni Mayor Guzman Jr. na
maibigay ang nararapat na serbisyo sa mamamayan lalong lalo na sa larangan ng
kalusugan at sa mga nangangalan.
Ang
LGU Kabacan ay meroong dalawang naka-standby na ambulansiya na handing tumugon
sa mga nangangailangan nito anumang oras.
Wala
nang babayaran ang sinumang mamamayan sa Kabacan na mangangailan nito sapagkat
sagot na ng LGU ang panggasolina ngunit kailangan lamang bigyan ng sapat na
akomodasyon ang driver nito lalo sa pagkain na siyang magmamaneho at magdadala
ng buhay sa sakay nito.
Natalakay
din sa SB Session kahapon ang resolution kaugnay sa 5 year Municipal Peace and
Order and Public Safety Plan sa bayan ng Kabacan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento