Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kotse lumiyab sa National Highway ng Kabacan, danyos sa nasabing sunog tinatayang nasa P90K

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 12, 2015) ---Tinatayang nasa P80K hanggang P90K ang halaga ang naitalang pinsala matapos na lumiyab ang isang kotse sa bahagi ng National Highway sa Brgy. Kayaga sa bayan ng Kabacan kahapon.

Ito, ayon kay BFP Kabacan Fire Marshall FSI Ebrahim Guiamalon sa panayam ng DXVL News.


Anya na tinatahak umano ng isang KIA Pride na saksakyan, may plakang MCW 468 na minamaneho ng isang PO2 Abdul Masukat ang daan papuntang bayan ng Kabacan mula sa bayan ng Pikit ng lumiyab itong bigla nang sumapit sa nasabing lugar.

Dagdag pa ng opisyal na talagang natupok ng apoy ang bahagi ng sasakyan na na kinaroroonan ng makina.

Lumalabas sa kanilang inisyal na imbedstigasyon na problema sa electrical wiring ng sasakyan ang dahlia ng sunog.


Samantala, nagpapaalala naman ang opisyal sa publiko na i check-up ang electrical wiring ng mga sasakyan bago bumiyahe.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento