by: Mark Anthony Pispis
Photo by: Zaynab Ampatuan
|
(Kabacan, North Cotabato/ May 12,
2015) --- Nag-sumite na ng sulat ang ibat-ibang sektor kasama ang NGO’s sa
dalawang kongresista sa North Cotabato bilang pakikiisa sa kampanya na paboran
ang pag-pasa sa Bangsamoro Basic Law o BBL.
Ayon kay Kabacan MORO P’CORE Director
Zaynab Ampatuan sa panayam ng DXVL News, nagsimula ang kanilang kampanya sa
pamamagitan ng isang peace rally sa Sitio Malabuaya Elementary School, Brgy.
Kayaga sa bayan ng Kabacan.
Anya pagkatapos ang nasabing
aktibidad ay tumungo ang kanilang grupo sa tanggapan ng ni Congw. Nancy Catamco
ng 2nd District at Congressman Jose “Ping-ping” Tejada sa 3rd
District naman sa lalawigan ng North Cotabato.
Anya na abot sa 200 na mga
partisipante ang nakilahok sa nasabing aktibidad dito sa bayan na pinangunahan
naman ng MORO P’CORE United Moro Women ng Kayaga at nang Youth Alliance for
Peace.
Napag-alaman na kanselado kahapon at
ngayong araw ang naunang itinakdang botohan sa komite sa Kamara para sa
panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL). Ayon kay Ad Hoc Committee on the BBL
Chairperson Rufus Rodriguez, may ilang kongresista ang humiling na ipagpaliban
ang botohan para mapag-aralan ang kopya ng mga amendments.
Kasalukuyan pang ikono-consolidate ng
committee secretariat ang lahat proposed amendments.
Sa halip na kahapon, itinakda na
lamang sa Lunes, Mayo 18 hanggang sa Miyerkules, Mayo 20 ang botohan.
Pinabulaan naman ni Rodiguez ang
impormasyong walang sapat na numero para maipasa ang panukala kaya inurong ang
botohan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento