Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lolo patay matapos tumalon sa ilog sa North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/September 24, 2012) ---Di na nagawang maisalba pa ng kanyang pamangkin ang 75-anyos na si Basyo Angos matapos lumundag sa Kabacan River sa may Barangay Dagupan, Kabacan, North Cotabato, alas-onse ng tanghali, kahapon.

      
Ayon kay Ryan Migo, 29, residente ng Barangay Katidtuan, Kabacan, pauwi na sila ng bahay matapos mamingwit sa Kabacan River nang biglang tumalon ang kanyang tiyuhin sa ilog.

Kasama din nila na namingwit ang isang Tata Sagayno.

Di raw nila batid ang dahilan ng paglundag ni Angos.

Si Angos ay laborer na taga-Malita, Davao del Sur.

Tinangka pang sagipin ni Migo ang kanyang tiyuhin pero binawian na ito ng buhay nang maiahon nila sa tabing-ilog.

Inaalam pa ng Kabacan PNP kung ang matanda ay nagpakamatay o sadya lang nahulog sa ilog.

Pero nauna nang sinabi ni Migo sa PNP na bago sila nagtungo ng Kabacan River, dala-dala umano ng tiyuhin ang matinding problema sa pamilya.

Di naman raw nabanggit ng tiyuhin sa kanya kung ano ang bumabagabag na ito sa kanya. (MCM) 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento