Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1st day ng Filing ng COC sa Kabacan Comelec Kabacan, nilangaw


(Kabacan, North Cotabato/October 1, 2012) ---Bagama’t marami na ang kumukuha ng mga Certificate of Candidacy o COC sa tanggapan ng commission on election sa bayan ng Kabacan, tila nilalangaw pa rin ang unang araw ng filing dito
Ito ang nabatid ng DXVL News ngayong hapon sa panayam kay Acting election Officer Gedion Falcis.
Aniya, isang kakandidato sa pagka konsehal sa bayan ang unang nagsumite ng COC sa kanilang tanggapan ngayong araw.

Batay sa mga umuugong na balita, tatakbo sa pagka alkalde ng bayan ang kasalukuyang incumbent opisyal bagama’t wala pa itong kumpirmasyon.
Kung matatandaan, itinakda ng comelec ang unang araw ng filing ng Coc ngayong unang araw ng Oktubre hanggang sa a-singko ng nasabing buwan.
Samantala, sa kanyang mensahe kaninang umaga sa 60th founding anniversary ng University of Southern Mindanao, nagpahayag din ng kanyang atensiyon na magpapare-elect muli ang kasalukyang naka-upong gobernador ng North Cotabato na si Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño.
Si Mendoza ang naging panauhing tagapagsalita sa Anniversary program ng USM kaninang umaga na isinagawa sa USM Amphitheater bago ang floral offering at cash donations sa bantayog ni USM founder Bai Hadja Matabay Plang.
Nanguna sa nasabing selebrasyon si USM Pres. Jess Antonio Derije, mga apat na vice Presidents, USMFA Pres. Dr. Anita Tacardon, Key Officials, dating president ng USM Pres. Dr. Kundo E. Pahm at Dr. Virgilio Oliva, mga retirees, faculty, staff at mga mag-aaral ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento