Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ipinamahaging CFLs bawal ibenta, maaring papalitan kung depektibo


(Midsayap, North Cotabato/ October 3, 2012) ---Nakasaad sa kasunduan ng DOE o Department of Energy at ng tanggapan ni North Cotabato 1st District Rep. Jesus Sacdalan na puspusang ipaliwanag sa mga benipisyaryo na ang Compact Fluorescent Lamps o CFLs na natanggap ay “not for sale”.

Ito rin ang paulit- ulit na ipinaliliwanag ng project personnel na nangangasiwa sa distribusyon ng mga ilaw.

Ayon kay North Cotabato 1st District CFL Distribution Monitoring Team Leader Dominador Aspacio, mahigpit nilang sinusunod ang patakarang ito na itinakda ng DOE.

Samantala, kung napag-alamang depektibo ang mga ilaw na natanggap ay ipagbigay alam agad sa mga kinauukulan.

Payo ng DOE, ibalik lamang ang depektibong CFL sa distribution centers upang agad na mapalitan.
Nabatid na ang bawat CFL ay tatagal ng 10,000 hours at makakatipid ng abot sa 80% konsumo sa kuryente.

Hinihikayat ng congressional district office ang mga benipisyaryo na ikabit ang mga CFL sa parte ng bahay kung saan ginagamit ng matagal ang ilaw tulad ng sala o kusina. (Roderick Bautista)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento