(Libungan, North
Cotabato/October 3, 2012) ---Patuloy ngayon ang ginagawang man-hunt operation
ng mga otoridad sa pagdukot ng negosyante sa bayan ng Libungan alas 6:15
kagabi.
Ayon sa report, dinukot ang
biktima na nakilalang si Annie Datuwata kasama ang secretary nito ng mga di pa
nakilalang mga abductors at pinasakay sa isang sasakyan.
Sa impormasyon dinala umano ang
biktima ng mga pinaniniwalaang KFR group sa isang liblib na lugar sa bayan ng
Midsayap.
Si Datuwata ay nag-mamay ari ng
isang gasolinahan sa nabanggit na bayan.
Nabatid nab ago lang dumating
ang biktima mula sa Jerusalem matapos na nag-pilgrimage. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento