(Midsayap, North
Cotabato/ October 5, 2012) ---Sa ginanap na konsultasyon kamakailan sa mga
miyembro ng MPLK (Midsayap-Pigcawayan-Libungan-Kabuntalan) Federation of
Irrigators Association, hinikayat ni North Cotabato 1st District
Cong. Jesus Sacdalan ang mga magsasaka na mag- avail sa Sikat Saka Loan program
ng gobyerno.
Ayon sa opisyal, isa
itong pagkakataon na mabigyan ng opurtunidad ang mga irrigators upang magkaroon
ng dagdag tulong pinansyal sa kanilang pagsasaka, ito ayon sa report ni PPALMA
News Correspondent Roderick Bautista.
Dagdag ni Cong.
Sacdalan, mainam na ihanda na ang mga kaukulang dokumento para sa aplikasyon sa
nasabing loan program.
Ito ay upang maagang
maproseso at magamit ang loan sa muling pagbubukas ng planting season ngayong
Nobyembre.
Hiniling din ni
Cong. Sacdalan sa DA at Land Bank of the Philippines na magkaroon ng karagdagang
orientation sa mga magsasaka sa buong unang distrito ng North Cotabato kaugnay
ng pagpapatupad ng programa.
Noong nakaraang
buwan nang bumisita dito sa North Cotabato si DA Assistant Secretary at
National Rice Program Coordinator Dante Delima, matatandaang ipinaliwanag nito
sa mga magsasaka ang malaking benipisyong hatid ng Sikat Saka Program.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento