Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

DOH 12, isinusulong ang pagpapatayo ng Social Hygienic Clinic sa Kidapawan city


Isinusulong ng Department of Health (DOH) dito sa Rehiyon Dose ang pagbubukas ng isang Social Hygiene Clinic na pakikinabangan ng mga taong positibo sa Human Immuno Virus (HIV) at Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS). 

Ayon kay Dr. Ali Tumama, medical specialist ng DOH 12, malaki ang maitutulong ng isang Social Hygiene Clinic na nakatakdang itayo sa Lungsod ng Kidapawan. 


Kailangan ang nabanggit na clinic ng mga taong mayroong sexually transmitted infections (STI), HIV at AIDS dahil walang isa mang pasilidad na gaya nito sa buong Rehiyon Dose. 

Sa ngayon, kailangan pang pumunta sa Lungsod ng Davao ng mga taga-Rehiyon Dose na mayroong STI, HIV at AIDS para sa kanilang konsultasyon at tulong medikal, ayon kay Dr. Tumama. 

Sa tulong ng isang Social Hygiene Clinic, mababawasan umano ang nararamdamang “stigma” at diskriminasyon ng mga taong mayroong STI, HIV at AIDS, at mapababa na rin ang pagkalat nito sa iba sa pamamagitan ng tamang counseling, ayon sa mga eksperto ng DOH 12. 

Ayon sa ulat ng DOH 12, mayroong 30 na kaso ng HIV/AIDS sa rehiyon. Ito ay dokumentado sa Lungsod ng Heneral Santos lamang. Hindi pa nakukumpirma ang mga suspetsadong kaso sa iba pang lungsod ng rehiyon, na ayon sa DOH ay positibo na rin. 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento