(Kabacan, North Cotabato/October 5, 2012)
---Muling nagpalabas ngayon ng panibagong schedule sa load curtailment ang Cotabato
Electric Cooperative o cotelco.
Batay sa kalatas na ipinalabas ni cotelco
OIC General Manager Godofredo Homez, may 2.4 megawatts na bawas sa supply ng
kuryente sa kooperatiba na nangangahulugan ng
15 minutong power interruption sa mga service erya nila.
Ito para mamintina ang 23.6megawatts na load ng kuryente ng kooperatiba.
Labing-limang minuto ang itatagal ng brownout kung ang
deficiency ng Mindanao power ay mula 160 hanggang 200 megawatts.
Pero kung lagpas ng 210 megawatts ang kakulangan ng suplay ng
kuryente sa Mindanao, tatagal ang brownout ng hanggang tatlumpung minuto, ayon
kay sa Cotelco. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento