(Kidapawan
city/October 4, 2012) ---Unti-unti nang dinadagsa ang ilang Commission on
Election o COMELEC offices sa ilang bayan sa North Cotabato.
Sa bayan ng
Magpet, nagsampa na ng
Certificate of Candidacy o COC sina Rodolfo Anib at Florentino Villasor para sa
pagka-alkalde.
Tatakbo naman bilang bise-mayor si
Roldan Pelonio at incumbent Mayor Efren Pinol.
Habang, abot naman sa labing apat ang
tatakbo bilang Sangguniang bayan members sa nabanggit na bayan.
Sa M’lang, North Cotabato, si incumbent Mayor Joselito Piñol ay
nagdeklara na ng kandidatura kasama si Russel Abonado bilang bise-Mayor.
Anim naman ang nakapag file na ng COC,
pawang mga myembro ng Liberal Party.
Sa Kabacan, wala pa ring nakapagpatala’ng tatakbo
bilang alkalde at bise-alkalde ngunit abot na sa anim na mga independent
candidate ang nagfile na ng COC para sa pagka konsehal sa bayan.
Samantala, dalawa’ng independent
candidate pa lang ang nagfile ng COC sa mga bayan ng Tulunan at Pikit para sa
pagiging myembro ng Sanggunian sa naturang mga bayan.
Abot naman sa sampu’ng kakandidato ang
nagsampa na ng kanilang COC sa Antipas, tatlo sa Pres. Roxas at isa pa lang sa
bayan ng Arakan.
Habang sa bayan ng Matalam at Carmen,
wala pa ring nagfifile, hanggang alas singko ng hapon, kahapon.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento