Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

6-anyos na babae, patay dahil sa Dengue sa Makilala, North Cotabato


(Makilala, North Cotabato/October 2, 2012) ---Binawian na ng buhay ang isang sais-anyos na babae, ang isa sa apat na tinamaan ng sakit sa Dengue sa bayan ng Makilala, N Cot.
        
Itinuturong dahilan ng pagkalat ng sakit ang nakabarang tubig sa kanal sa barangay Kisante sa bayan.
        
Aminado si Kapitan Danilo Dante ng nabanggit na barangay na matagal nang dinadaing ng mga residente doon ang naturang baradong kanal.

        
Ayon pa kay Dante, idinulog na ng kanilang sanggunian ang problema sa Department of Public Works and Highway o DPWH 1st Engineering district.
        
Sagot naman ng ahensya, isasabay ang pagkukumpuni sa kanal sa gagawing road rehabilitation sa Davao-Cotabato highway.
        
Kaugnay nito, nanawagan ang pinuno na magtulong-tulong ang mga residente upang matanggal ang mga basurang isa sa dahilan ng pagbara ng tubig sa ilang bahay sa nabanggit na barangay. 

Samantala sa iba pang mga balita, Pinasok ng mga kawatan ang isang kwarto sa Kalaisan National High School sa barangay Kalaisan, Kidapawan City. Nangyari ang krimen bandang alas tres ng madaling araw, kamakalwa.
       
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Kidapawan City PNP, nakapasok ang mga magnanakaw sa pamamagitan ng pagsira sa grills ng bintana sa classroom. Tinangay ng mga kawatan ang isang Central processing Unit o CPU, at isang computer monitor na nagkakahalaga ng abot sa dalawampu’ng libong piso.
       
Hanggang sa ngayon, di pa rin batid ng kapulisan kung sino ang nasa likod ng panloloob sa naturang paaralan.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento