Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

National Union of Journalist of the Philippines nagsumite na ng e-petition hinggil sa pagtutol sa Cybercrime Law ; media practitioners at taumbayan hinikayat na tutukan ang pagtugon ng Supreme Court rito


(Kidapawan city/ October 4, 2012) ---Isinumite na ng National Union of Journalist of the Philippines o NUJP ang e-petition nila sa Supreme Court bandang ala una ng hapon, kahapon.
       
Ito ang sinabi ni NUJP General Secretary Rowena Paraan, ito aniya ang kauna-unahang ‘e-petition’ na isusumite sa Korte Suprema.
       
Nakapaloob sa ‘e-petition’ ang pagpigil sa pagpapatupad ng Cybercrime Prevention Act o mas kilala sa tawag na Republic Act 10175.

       
Ang naturang panukalang batas ay tahasang lumalabag umano sa Freedom of Expression na nakasaad sa 1987 Philippine Constition.

HINIKAYAT din ni Paraan di lang ang mga myembro ng media kundi pati na rin ang taumbayan na tutukan ang pagtugon ng Supreme Court sa hakbang na ito ng NUJP.
       
Ito raw ang magiging ‘test case’ sa bagong talagang Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

1 komento: