(October 5, 2012) ---Hanggang kahapon, matumal pa
rin ang pag-file ng mga certificate of candidacy o CoC sa iba’t ibang mga
election offices sa North Cotabato.
Sa
Makilala, ta-tatlo pa lang ang nagpa-file ng kanilang CoC sa
pagka-konsehal. Lahat sila independent candidates.
Sa
Kidapawan City, tatlo nang mga kandidato sa pagka-alkalde ang nag-submit ng
kanilang CoC.
Una
rito si Manuel Adajar, sumunod si Joseph Evangelista ng Liberal Party, at Engr.
Ernido Gantuangco bilang independent candidate.
Kasabay
din ni Evangelista sa pag-file ng CoC ang buo niya’ng line-up – simula
vice-mayor hanggang sa konsehal.
Vice-Mayor
niya, sa ilalim ng Liberal Party, si incumbent City Mayor Rodolfo Gantuangco.
Sampu ang
kandidato pagka-konsehal sa ilalim ng line-up ni Evangelista, kasama na rito
ang pitong mga incumbent city councilors.
Lima ang
kandidato pagka-konsehal sa line-up ni Engr. Gantuangco, at isa ang kandidato
sa ilalim ng Makabayan Party.
Sa Matalam,
halos sabay-sabay naman na nagfile ng CoC ang kasapi ng Partido’ng Masa,
kahapon.
Pinangunahan
ito ni Saturnino Amatac na tatakbo bilang alkalde at Jeffrey Sungkaya sa
pagka-bise-mayor, at walo naman ang tatakbo bilang konsehal.
Sa
Kabacan, halos sabay ding nagdeklara ng kandidatura sina Herlo Gurman Jr. na
tatakbo bilang mayor at Datu Maido Sultan sa pagka-bise mayor, kapwa mga
independent candidates.
Abot
naman sa labintatlo ang tatakbo sa sanggunian ng bayan sa Kabacan.
Sa
M’lang, nag-file ng kanyang re-election bid pagka-mayor si Joselito
Pinol. Nag-file din ng kanilang mga CoC sina Joselito Mercado
bilang alkalde at Elberta Tejada bilang bise-alkalde.
Kasama
rin nilang nagfile ng COC ang walo’ng independent candidates para sa
pagka-konsehal.
SA
TULUNAN, lima na mga independent candidates ang nadagdag sa mga nag-file ng
CoC.
SA PIKIT, isang independent
candidate ang nag-file ng CoC pagka-konsehal.
Muli,
nagpaalala ang Comelec sa mga kandidato na mag-file na ng kanilang CoC bago ang
5 oclock.
Dahil
paglagpas ng 5 oclock, sarado na ang kanilang mga opisina.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento