Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

IVCF Campus Ministry, magsasagawa ng Leadership training sa mga estudyante

(Kabacan, North Cotabato/ October 4, 2012) ---Sasailalim ang ilang mga estudyante ng University of Southern Mindanao na kasapi ng Inter-Varsity Christian Fellowship o IVCF sa isang linggong leadership at discipleship camp.

Ayon kay Kabacan IVCF adviser Estrella dela Cruz, gagawin ang nasabing aktibidad sa Mt. Carmel, Kinuskusan, Bansalan, Davao del sur sa Oktubre a-22 hanggang sa 29, 2012.

Layon ng nasabing LCDC na hubugin ang espiritwalidad ng mga estudyante buhat sa iba’t-ibang mga chapter kabilang na ang mula ditto sa North cotabato, USM-Kabacan, USM-Kidapawan City, Southern Christian College ng Midsayap.

Bukod pa sa mga IVCF buhat sa General Santos city, South Cotabato, Tagum city at Davao Region.

Kung matatandaan ang IVCF-Kabacan ay mahigit sa tatlong dekada ng campus ministry sa USM na nagsasagawa ng person-to person evangelism, bible study at large group fellowship para mapalapit angmga estudyante sa Panginoon at mailayo sa anumang tukso ngayong estudyante pa lamang ang mga ito.

Ang IVCF-SMRU ay pinangungunahan ng kanilang Regional Director na si Kuya Darby Aspacio.

Para sa karagdagang impormasyon hinggil sa aktibidad, maaring makipag-ugnayan kay Raffy dela Cruz sa 0948-7431855.  (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento