Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

17-anyos na dalagita, patay sa pamamaril sa Kabacan, Cotabato; driver ng Weena, patay din sa magkahiwalay sa shooting incident

(Kabacan, North Cotabato/ October 3, 2012) ---Patay ang isang 17-anyos na dalagita makaraang barilin ng mismong pinsan nito sa Sinamar 1, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 5:25 kahapon ng hapon.


Kinilala ni P/Insp. Tirso Pascual ng Kabacan PNP ang biktima na si Lorna Tagura, dalaga, OSY at residente ng nabanggit na lugar.

Ang biktima ay binaril ng kanyang mismong pinsan na nakilalang si Nonoy Tagura gamit ang di pa matukoy na uri ng baril.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa di pa matukoy na bahagi ng kanyang katawan na nagging dahilan ng agra nitong kamatayan.

Mabilis namang tumakas ang salarin sakay sa kulay asul na Bajaj motorcycle papalayo sa di malamang direksiyon.

Sa ngayon ini-establish pa ng Kabacan PNP kung anu ang totoong motibo sa panibagong kaso ng pamamril sa bayan habang nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad.

Samantala, patay din ang driver ng Weena Bus na nakilalang si Caizar Obedensia, nasa tamang edad at residente ng Bansalan, Davao del sur makaraang barilin sa Pikit Public Market ala 1:00 ng hapon kahapon.

Ang biktima ay nagtama ng tama ng bala sa kanang bahagi ng kanyang dibdib na nagging dahilan ng agara nitong kamatayan.

Ginamit ng suspek sa pagbaril sa biktima ang caliber .9mm na pistol.

Mabilis namang tumakas ang suspek sa di malamang direksiyon matapos ang insedente. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento