(Tulunan, North Cotabato/October 2, 2012)
---Tensyunado ngayon ang isang barangay sa bayan ng tulunan, makaraang
ginulantang ng malakas na pagsabog alas 7:45 kagabi.
Ang nasabing roadside bombing ay nangyari sa
Purok 5, brgy. Popoyon ng nabanggit na bayan.
Ayon kay PCI Ronnie Batuampo, wala namang
may nasawi o nasugatan sa nasabing insedente.
Patuloy pa ngayong inaalam ng EOD team kung
anung klaseng pampasabog ang ginamit ng mga suspek sa nasabing pambobomba.
Agad namang ikinasa ng tulunan PNP ang
imbestigasyon para alamin ang totoong motibo sa nasabing pangyayari. (Rhoderick
Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento