Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Suspek sa pagbaril patay sa 17-anyos na dalagita, sumuko; kasong isasampa kontra sa kanya, inihahanda na


(Kabacan, North Cotabato/ October 4, 2012) ---Sumuko ang dalawang suspek na reponsable sa pamamaril patay sa isang 17-anyos na dalagita sa Sinamar 1, Poblacion, Kabacan nitong Martes ng hapon.

Ayon kay P/Insp. Tirso Pascual ng Kabacan PNP boluntaryong sumuko sina Rodel Tagura, 27-anyos, binata at itinuturong responsible sa pamamaril habang kasama nito ang driver na si Rickson Tagura, 34na residente ng Matalam, Cotabato.


Sumuko ang dalawa matapos ang ginawang negosasyon ng Kabacan PNP kasama ang Presidente ng Kabacan Business Club Jabib Guiabar at ang employer ng suspek na nakilalang si Michael Piang.

Boluntaryo munang sumuko ang mga suspek sa kanilang tiyuhin na si Melton Tagura, 39, may asawa at residente ng New Abra, Matalam at sa kanilang kapitbahay na nakilalang si Daimar John Molina, empleyado ng B-MEG Company.

Agad namang tinurn-over ang mga suspek sa Kabacan PNP at sa loob ng 24-oras at posibleng mabibigyan agad ng hustisya ang pagbaril kay Lorna Tagura na sinasabing personal na alitan ng magpinsan ang pinag-ugatan.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng Kabacan PNP ang mga suspek habang inihahanda ang kasong kakaharapin ng mga ito habang nasa himpilan din ang narekober na kulay asul na Bajaj Kawasaki motorcycle na may plate number 3632 YW. (Rhoderick Beñez)




0 comments:

Mag-post ng isang Komento