(Alamada, North Cotabato/September 21, 2012) ---Pinangunahan
ni Cotabato Governor Emmylou Lala Talino Mendoza ang pagpapasinaya ng pavilion
at stairways papunta ng asik-asik springfalls kahapon sa Sitio Dulao, Upper
Dado, Alamada, North Cotabato.
Ang ginawang inagurasyon ay bilang hudyat ng pormal na
pagpabatid sa publiko na bukas na muli ang asik-asik paguranan spring falls na
bisitahin ng publiko.
Sinabi ng opisyal na abot sa P1.5M ang inilaang budget
para sa pagsasaayos ng nasabing isa sa pinakamagandang tourist destination sa
North Cotabato at maging sa bahaging ito ng Mindanao.
Kaugnay nito, inihayag naman ni Mayor Bartolome Lataza
ang kanilang pasasalamat sa suporta ng provincial government sa inisyatibong
intervention na ginawa nila sa lugar.
Ayon kay Lataza, ang kita sa income ng asik-asik ay 50%
ditto ang mapupunta sa brgy 35% sa provincial government at 15% ditto ang
mapupunta sa munisipyo.
Kaugnay nito, hinikaya’t ng gobernador ang mga mamamayan
ng alameda, na suportahan ang kalinisan sa paligid ng asik-asik, hindi gawan ng
masasama ang mga bumisitang turista local man o maging international.
(Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento