(Kidapawan
City/September 18, 2012) ---Nilagdaan na
ni Pangulong Noynoy Aquino noong byernes ang Republic Act 10177 o ang paghati
sa probinsya ng North Cotabato sa tatlong mga distrito.
Ang
third district ay magiging epektibo sa May 2013 national elections.
Dahil
dito, kasama na sa sa ikatlo’ng distrito ang mga bayan ng Banisilan, Carmen,
Kabacan, Matalam, M’lang at Tulunan.
Nasa
ikalawang distrito naman ang mga bayan ng Makilala, Magpet, Roxas, Antipas at
Arakan at ang lungsod ng Kidapawan.
Kabilang
naman sa first legislative district ang bayan ng Pikit, Pigkawayan, Alamada,
Libungan, Midsayap at Aleosan.
Matatandaang
ang nasabing batas ay naipasa sa Kongreso noong Feruary 22, 2011 at pinal na
naisabatas noong July 24, nitong taon.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento