(Kidapawan
City/ September 18, 2012) ---Malaki ang panghihinayang ng isang mambabatas sa
lalawigan ng North Cotabato dahil nasawi ang kanyang Belgian na aso matapos na
makagat ng ahas sa kanilang dirty kitchen.
Sa kuwento
ni North Cotabato 1st district Board Member Shirlyn Macasarte-Villanueva kay
GMAnews-7 stringer Williamor Magbanua habang nagluluto sa kanilang dirty kitchen ang
kanyang close in security, isang nanghihinang palaka daw ang nakita nito.
Kinuha daw
ng kanyang security ang palaka at inilagay sa likod ng kanilang drainage, pero
napansin daw ang isang buntot na pinaniniwalaan niyang sa ahas.
Tinaghuyan
ng security ang mga aso nilang alaga, pero naunang dumating ang Belgian kung
saan pinagkakagat niya ang buntot ng ahas.
Bagaman at
nakagat din ng ahas ang aso, hindi nito binitawan ang serpente hanggang sa
tuluyan niya rin itong mapatay sa pamamagitan ng pagkagat.
Sinubukan
pang isalba ni Board member Macasarte-Villanueva ang alagang aso sa pamamagitan
ng pagpapakain ng asukal, habang pilit naming pinaglalabanan ng aso ang kanyang
huling hininga.
Pero
makalipas ang labinglimang minutong pakikibuno ng aso, binawian ito ng buhay.
Para kay
Board member Macasarte-Villanueva, maituturing niyang isang bayani ang kanyang
alagang aso.
Madalas
daw kasi na siya ang nagluluto ng pagkain sa kanilang dirty kitchen, pero nang
mga panahong iyon ay suwerte na ang kanyang security aide ang nagluto.
Maaari raw
kasing siya ang matuklaw ng ahas sa oras na kanya itong nagalaw.
Walang
nagawa ang mambabatas kung hindi ang umiyak na lamang kasama ang dalawa niyang
anak habang pinagmamasdan ang wala nang buhay nilang alagang aso.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento