Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

LGU-Kabacan, Nakiisa sa Selibrasyon ng Philippine Civil Service Anniversary


(Kabacan, North Cotabato/September 19, 2012) ---Matagumpay na idinaos ng LGU-Kabacan sa pangunguna ni Mayor George B. Tan ang pagdiriwang ng ika- 112th Philippine Civil Service Anniversary na may temang “Kawani,  Ikaw ay Isang Lingkod bayani” na isinagawa kahapon.

Mahigit sa 450 na mga estudyante ng elementarya ang nabigyan ng tsinelas, toothbrush, toothpaste, face towel, at school supplies sa Barangay Lower Paatan at Barangay Salapungan.

Kaugnay ng Selebrasyong ito, nagkaroon naman ng Bamboo Tree Planting sa gilid ng Kabacan River.

Nagkaroon din ng Medical Outreach, PhilHealth Enlisting at Micronutrient Supplementation para sa mga buntis na ina at mga malnourished na mga bata sa Barangay Aringay.

Ngayong araw naman ay magaganap ang Government Workers Fellowship Day kung saan paparangalan at bibigyan ng Service Pin ang mga kawani na higit sampong taon nang naglilingkod sa bayan, at inaasahang magtatagisan din ng kanilang mga talento ang mga empleyado. (Sittie Rahma Mamolindas)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento