(Midsayap,
North Cotabato/September 18, 2012) ---Umabot sa higit 300 mga runners mula sa
iba’t- ibang sektor ang sumali sa Race for Peace Fun Run 2012 na ginanap nitong
September 16 sa MIdsayap, North Cotabato.
Sa mga
distansyang; 1- kilometer, 3- kilometer at 5- kilometer runs, nagsama- sama ang
sektor ng kabataan, grupo ng kababaihan, people’s organizations, government
lined agencies, academe at private companies na tumakbo para sa kapayapaan.
Ang
inistyatibong ito ay pinangunahan ng Southern Christian College- Community
Education, Research and Extension Administration o SCC- CEREA, ito ayon sa
report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.
Sa mensahe
ni SCC Vice President for CEREA Dr. Elma Neyra, pinasalamatan nito ang aktibong
pakikilahok ng mga Midsayapeno sa nabanggit na gawain.
Dagdag ng
opisyal, ang malaking bilang ng mga runners na dumalo ay tanda umano ng
malaking pagsuporta ng bawat Midsayapenos sa usaping pangkapayapaan.
Ang
nabanggit na fun run ay siyang hudyat ng
weeklong celebration ng International Day of Peace sa darating na September 21.
Ginanap din
ang nasabing aktibad bilang paggunita sa ika- 10 anibersaryo ng SCC Paaralang
Pangkapayapaan radio advocacy program.
Maliban sa
fun run ay may mga inihanda ring activities ang SCC- Center for Media and the
Arts upang gunitain ang international day of Peace tulad ng quiz show, film
showing, poster making contest, at consultation activities sa iba’t- ibang
sektor kaugnay ng nagaganap na peace talks. (RRBautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento