(Kidapawan City/September 18, 2012) ---Abot sa
17 na mga wanted person ang inaresto ng mga operatiba ng PNP sa iba’t ibang
bahagi ng rehiyon sa loob lamang ng isang linggo.
Sa bayan ng Midsayap, North
Cotabato, walong mga may kasong attempted murder sa ilalim ng Criminal Case
Number 12-200 ang inaresto ng mga pulis. Kinilala ni Sr. Insp. Benjamin
Mauricio, information officer at spokesman ng PNP Reginal Office Number 12, ang
mga inaresto sa bayan ng Midsayap na sina Norberto Suico, 53, ng Poblacion,
Libungan; Ricky O. Alquino, 38, ng Barangay Bual Sur, Midsayap; Danny D. Peñas,
54, ng Barangay Nicaan, Libungan; Nestor B Gabatilla Sr., 56, ng Barangay
Balogo, Libungan; Felipe P. Lagancia, 45, ng Poblacion, Libungan; Zoilo
Q. Alamo, 44, ng Barangay Sinawingan, Libungan; Teofilo V. Marescal, 57, ng
Poblacion-6, Midsayap; at Alexander J. Braza, 55, ng Poblacion-6, Midsayap.
Ang mga inaresto, ayon kay
Mauricio, ay pawang mga empleyado ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco.
Pero agad din naman sila’ng
ni-release sa kustodiya ng PNP makaraang makapaglagak ng piyansa.
SA TACURONG CITY --
ARESTADO noong
September 7 ng mga pulis ang isang Theng Mamasapano Sakal, kagawad ng Barangay
Imbangan sa bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao dahil sa umano kasong drug
trafficking.
SA ISULAN, SULTAN KUDARAT
-- ARESTADO ng
mga pulis ang isang Jesus Tiyok Pardillo, 36, ng Barangay Dansuli, Isulan,
dahil sa kasong grave threats.
SA GENERAL SANTOS CITY --
ARESTADO
ang isang Ricky Caunsag Dangao, 39, ng Purok Biao, Barangay San Jose, General
Santos City, dahil sa kasong attempted murder.
Inaresto rin ng mga pulis
sa GenSan dahil sa mga kasong rape ang mga suspect na sina Junnel De Vibar na
may alias Dodong ng Purok-11, Barangay Apopong, at Glen Donaire Bangkal, 26, ng
Purok-11, Barangay Mabuhay.
SA BANGA, South Cotabato – ARESTADO ang isang Alfredo Saulan Pelle, 72, at
Albert Pequirda Pelle, 35, kapwa residente ng Purok Halangdon, Barangay
Benitez, Banga, South Cotabato.
Huli sila sa kasong attempted murder.
Kasong frustrated murder din ang kinasasangkutan ng isang suro Pandian alias
Ceasar, 51, ng Barangay Malugong, T’boli, South Cotabato.
SA SARANGANI PROVINCE -- ARESTADO ang isang Ruben Delator alias Alfie
dahil sa kasong Robbery with Violence at Intimidation against Persons sa bayan
ng Malungon, Sarangani.
Ang tuluy-tuloy na hulihan sa mga most wanted person sa Region 12, ayon kay
Mauricio, ay kautusan na ipinalabas ni PRO-12 regional director, Chief Supt.
Alex Paul Monteagudo.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento