(Alamada, North
Cotabato/September 19, 2012) ---Pinangunahan ni Department of Agriculture
Assistant Secretary Dante Delima ang inagurasyon ng dalawang irrigation
facilities sa bayan ng Alamada noong Biyernes, September 14 ng taong
kasalukuyan.
Kabilang sa pinasinayaang
Small Scale Irrigation Project o SSIP ay nakabase sa Sitio Nica-an, Barangay
Barangiran na pinaglaanan ng pondong P10 Milyon.
Isa pang SSIP na
nagkakahalaga rin ng P10 Milyon ay matatagpuan naman sa Sitio Lama, Barangay
Rangayen sa bayan pa rin ng Alamada.
Ayon kay Assistant
Secretary Delima, ang mga patubig na ito ay inimplementa upang isulong ang
Irrigation and Food Self- Sufficiency Program at Irrigation Development Support
Services ng gobyerno.
Sa isinagawang
simpleng turn- over ceremony, sinabi ni North Cotabato 1st District
Cong. Jesus Sacdalan na maliban sa mga patubig na ito ay kinakailangan din ng
mga magsasaka sa lugar ang mga kaukulang pasilidad tulad ng thresher, tractor, solar
drier at rice mill.
Bilang
tugon ng DA, sisikapin ng ahensyang mabigyan ng aksyon ang kahilingan ng mga
magsasaka sa lugar ngunit maaring sa unang bahagi na ito ng susunod na taon
maipatutupad.(PPALMA News Correspondent Roderick Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento