(Kabacan,
North Cotabato/September 18, 2012) ---Arestado ang isang tindero ng gulay
makaraang nahuling nagtutulak ng illegal na droga sa loob ng Kabacan Public
Market sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad dakong alas 2:30
kahapon ng hapon.
Kinilala
ng Kabacan PNP ang suspek na si Thongan Ebrahim Agmas, nasa tamang edad,
residente ng Bulit, Datu Montawal, Maguindanao.
Nakuha
mula sa kustodiya ng suspek ang isang plastic heat sealed transparent na
pinaniniwalaang naglalaman ng shabu at isang P500 marked money.
Ayon
sa salaysay ng isang runner ng nasabing illegal na droga, binigyan umano siya
ni Agmas ng pera para pambili ng kanyang sigarilyo sa tuwing mag-dedeliver ito ng
nasabing droga.
Pero
pagdating sa presinto kahapon, todo tanggi ang suspek na nagtutulak siya ng
illegal na droga.
Nanguna
sa pag-aresto sa suspek si Task Force Krislam head P/Insp. Tirso Pascual at
P/Insp. Rolando Dillera ng Kabacan PNP at sumaksi dito si Pob. Kagawad Edna
“Nanay” Macaya.
Aniya,
nagtitinda lamang siya ng gulay sa loob ng Kabacan Public Market.
Sa
ngayon isailalim sa drug test ang suspek at kung mabatid na positibo siya sa
droga, kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002
ang kakaharapin ng suspek. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento