(Kabacan, North Cotabato/September 17, 2012)
---Arestado ang tatlo katao sa magkahiwalay na operasyon ng mga otoridad kontra
illegal na droga sa bayan ng Kabacan at Midsayap nitong Sabado.
Nahuli ang dalawang tulak droga na
taga-Kabacan na kinilalang sina Michael Bona Flores, 28-anyos, may asawa at
isang Bayan Makakwa Sandialon, 36, may asawa, driver at kapwa residente ng
Roxas St., Poblacion ng baying ito bandang alas 7:43 ng umaga nitong Sabado.
Nanguna sa pag-aresto sina Supt. Leo Ajero,
hepe ng Kabacan PNP at Task force Krislam head P/Insp. Tirso Pascual kungsaan
nakuha mula sa posisyon ng dalawa ang isang plastic heat sealed transparent
sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu at ang P500 na marked Money.
Sumaksi sa pag-aresto sa dalawa si Poblacion
Brgy. Kagawad Edna Macaya.
Samantala, arestado din sa pamamagitan ng
buybust operation ng Midsayap PNP ang isang tulak droga na nakilalang si
Rasmeah Sagan Anggao, 38-anyos, may asawa at residente ng Poblacion-5,
Midsayap, cotabato.
Nanguna sa pag-aresto sa suspek si PSI Henry
Canja Narciso sa ilalim ng superbisyon ni Supt. Joseph Semillano, ang bagong
hepe ng Midsayap Municipal Police Station.
Kakaharapin ng tatlo ang kasong pag-labag sa
Republic Act. 9165 o comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Rhoderick
Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento