Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Farm implements, tinanggap ng G-7 Space for Peace communities sa Pikit, North Cotabato


(Pikit, North Cotabato/September 19, 2012) ---Kasabay ng pagbisita ni Department of Agriculture Assistant Secretary Dante Delima sa unang distrito ng North Cotabato, walong water pumps na may kumpletong accessories ang ipinamahagi para sa mga magsasaka ng bayan ng Pikit.

Benipisyaryo ng nabanggit na farm machineries ay ang GiNaPaLaD- TaKa communities na kinabibilangan ng Ginatilan, Nalapaan, Panicupan, Lagunde, Dalengaoen, Takepan, at Kalacakan na mas kilala sa tawag G- 7 Space for Peace, ito ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.

Ginanap ang nasabing aktibidad sa tanggapan ni North Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan noong Biyernes, September 14.

Ayon kay G-7 Space for Peace President Tanny Mandas, malaking tulong ang mga water pumps na ito upang maipagpatuloy nila ng pagsasaka sa lugar.

Dagdag ng opisyal, lubusan nilang mapakikinabangan ang mga patubig na binuksan gnoong Hunyo sa pamamagitan ng pagagamit ng mga water pumps upang patubigan ang mga palayang nasa matataas na lugar. 

Maliban sa mga water pumps ay pinagkalooban din ng mga vegetable seeds, pala, at ssedlings ang mga benipisyaryo.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento