(M’lang, North
Cotabato/September 18, 2012) ---Tinatayang abot sa
160M pesos ang inilaang pondo ng Department of Transportation and Communication
o DOTC para sa pagkukumpuni ng Central Mindanao Airport sa bayan ng M’lang, N
Cotabato.
Ayon kay North Cotabato 2nd district
representative Nancy Catamco, mismong si Secretary Mar Roxas ng DILG ang
nagbigay ng sulat kay Secreytary Butch Abad ng Department of Budget and
Management upang makapalabas ng pondo para sa commercial airport.
Ngayong buwan nakatakdang isagawa ang bidding para sa mga
kagamitang gagamitan sa paliparan. Kaugnay nito, inaasahang bago magtapos ang
taon ay masisimulan na ang pagkumpleto sa naturang airport.
Ang Central
Mindanao Airport ay magbibigay daan sa transportasyon ng mga produkto palabas
at papasok ng gitnang Mindanao.
Sa pamamagitan din ng paliparan, mabubuksan ang
transportasyon mula sa North Cotabato, tungo sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
DXVL Staff
...
Pagkumpuni sa Central Mindanao Airport sa M’lang, N Cotabato inaasahang masisimulan bago magtapos ang 2012
Lunes, Setyembre 17, 2012
No comments
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento