Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mindanao Association of State Tertiary Schools, pinaghahandaan!

(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 24, 2014) ---Puspusan na ang paghahanda ng Institute of Sports Physical Education and Recreation o ISPEAR sa Mindanao Association  of State Tertiary Schools.

Gaganapin ang MASTS ngayong darating na ika-3 hanggang ika-7 ng Marso sa Bukidnon State University Malaybalay, Bukidnon.


Ayon kay ISPEAR Director Flora Mae Garcia sinasanay na lahat ng mga kalahok  sa nasabing event kungsaan umaasa ito na makukuha ng kanilang koponan ang kampeonato.

Masaya umano  sila sa naging resulta noong nakaraang Linggo sa Invitational Sports sa State of University and Colleges, dahil nasungkit ng Pamantasan ang kampeonato sa basketball men at volleyball men.

Dagdag pa niya naghahanda rin sila para sa gaganaping Socio Cultural, National Arts Celebration month na kung saan pangungunahan ito ng University Performing Arts Guild ngayong darating na ika-26 ng Pebrero. USM Devcom Intern Febelyn  Aguirre Arconado para sa DXVL news


0 comments:

Mag-post ng isang Komento