Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Tourist attraction Asik-asik Falls, ipinasara pansamantala para sa mga turista dahil sa outbreak

(Alamada, North Cotabato/ May 16, 2014) ----Pansamantala munang isinara sa mga turista ang pamosong Asik-asik Falls matapos na pumutok ang outbreak na nag-iwan ng walo katao ang patay habang 601 ang naapektuhan buhat sa tatlong mga barangay ng Alamada, North Cotabato.

Ito ang inihayag ni Melissa Bagsican, municipal information officer na temporary munang isinara sa mga dumadayong turista sa lugar ang asik-asik falls hanggat di pa na-ideklara ng mga health officials na outbreak free ang lugar.

Kahapon, may inilabas ng resulta, pero tumanggi ihayag ito sa DXVL News ng ilang mga doktor na nakapanayam.

Nabatid na ang asik-asik falls iy pangunahing tourist destination sa lalawigan na nasa Sitio Dulao, Brgy. Dado, isa sa mga lugar na naapektuhanng outbreak.

Batay sa pinakahuling datos ni Municipal Administrator Ruben Cadava, 67 naman sa nasabing mga pasyente ay nakarekober na mula sa pananakit ng tiyan, pagtatae at pagsusuka.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng opisyal na malinis ang tubig na iniinum ngayon ng mga residente mula sa tatlong mga barangay na naapektuhan ng nasabing outbreak.

Ito makaraang bumuhos ang tulong mula sa pribado at pampublikong sektor na tumugon sa panawagan ng mga lokal na pamahalaan ng Alamada.

Malinis namang tubig na mula sa firetruck ng Bureau of Fire ang dinadala sa brgy. Dado, Lower Dado at Pigcawaran, ayon kay Cadava.

Una dito, sinabi ng administrador na ang mga nabanggit na mga barangay ay hindi pa naabot ng programang SALIN-TUBIG ng pamahalaang nasyunal maliban lamang sa Lower Dado na naging benepisyaryo sila ng MRDP.

Samantala, tumanggi naman munang ihayag ni Cadava ang resulta sa ginawang eksaminasyon dahil si Dra. Joy Posada lamang ang maaring magbigay ng opisyal na pahayag sa media.

Lubos naman ang pasasalamat ng opisyal sa maagap na pagtugon ni Cotabato Gov. Lala Mendoza ng provincial government, kasama na ang lahat ng mga LGU’s, mga nasa hanay ng hukbong Lakas ng Pilipinas, Pambansang Pulisya, mga pribadong sektor at iba pa sa mga ipinadalang tulong partikular na ang malinis na tubig, gamot at tulong ng mga doktor.

Kaninang umaga ay nag sagawa ng isang pulong balitaan kungsaan inihayag sa Media ang resulta ng lab test.

Ayon kay Dra.  Rosario Bandala, municipal health officer sa bayan ng Alamada, batay  sa ginawa nilang pagsusuri sa mga pasyente lumalabas na 438 sa mga ito ang positibo sa tinatawag na vibrio cholerae disease kaya deniklara nilang cholera outbreak ito.

Ito ang lumabas sa ginawang rectal swab test ng DoH sa Metro Manila kung saan sa 769 na mga biktima ang nasa 438 ang positibo sa vibrio cholerae disease.

Ang resulta naman sa pagsusuri sa physical at chemical content sa katawan ng mga biktima ay aabutin pa ng mahigit isang linggo bago mailabas ng DoH.

Ang umaabot sa 769 na mga biktima na dinala sa Municipal Health Office ng Alamada dahil umano sa problema sa inuming tubig. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento