(Tulunan, North Cotabato/ May 12, 2014) ---Pinagbabaril
hanggang sa mapatay ang isang magsasaka makaraang sumiklab ang krimen sa may
brgy. Popoyon, Tulunan, North Cotabato alas 2:00 ng hapon nitong Sabado.
Sa report ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng
Tulunan PNP kinilala ang biktima na si Pacifico Tapulgo, nasa tamang edad,
magsasaka, may asawa at residente ng Purok 4, Poblacion ng nasabing bayan.
Batay sa inisyal na pagsisiyasat papunta na
sa kanyang sakahan nito sa barangay Popoyon si Tapulgo ng pagbabarilin ng di pa
nakilalang suspek gamit ang di pa matukoy na uri ng armas.
Nagtamo ang biktima ng iba’t-ibang tama ng
bala sa kanyang katawan na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Inaalam na ngayon ng kapulisan kung may
kinalaman sa lupa ang pagpaslang patay sa biktima habang patuloy na tinutugis
ang suspek. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento