Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

BREAKING NEWS: 4 patay; 69 na ospital sa diarrhea outbreak sa Alamada, North Coatabato

(Alamada, North Cotabato/ May 13, 2014) ---Apat ang naiulat na nasawi habang 69 ang kumpirmadong nasa bahay pagamutan ng Alamada, North Cotabato sa nangyaring diarrhea outbreak sa dalawang barangay.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni PCInps. Joefrey Todeno, hepe ng Alamada PNP.


Una rito, mahigit sa 100 mga residente ang nalason dahil sa umano'y kumalat na kemikal at napunta sa kanilang mga inumin sa naturang probinsya.

Sa naunang ulat ni DXVL Devcom Intern Javie Jame Castillo, mistulang nagkaroon ng diarrhea outbreak sa nasabing lugar dahil dumaranas ng pagtatae, pagsusuka at pagsakit ng tiyan ang mga biktima.

Kagabi ay marami na ang isinugod sa Alamada Community Hospital habang kungsaan mahigit na sa 60 ang dinala at patuloy pa rin ang pagdating ng ambulance sakay ang mga pasyente.

Ang iba aniya kasi ay ngayon pa lamang umepekto ang kemikals.

Ang halos 30 mga pasyente ay nananatili na lamang sa barangay health center.

Ito'y liban pa sa mga nakalabas na ng ospital na hindi pa nabilang. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento