(Datu Unsay, Maguindanao/ May 13, 2014)
---Dalawang sundalo ang patay habang apat na iba pa ang nasugatan matapos
pasabugan ng Improvised Explosive Device o IED at tambangan ang military convoy
mismong ni Philippine Army's 1st Mechanized Brigade Commanding Officer Col.
Gener del Rosario pasado alas 10:00 ng umaga kahapon sa National highway, sakop
ng Barangay Meta, Datu Unsay, Maguindanao.
Ayon kay Philippine Army's 45th Infantry
Battalion Commanding Officer Col. Donald Hungitan, nanggaling ng 1st Mechanized
Brigade Headquarters, sa Sharif Aguak ang convoy ni Col. del Rosario at papunta
sana sa isang conference sa 6th Infantry Division Headquarters, Awang, Datu
Odin Sinsuat, Maguindanao nang biglang sumabog ang dalawang IED sa tabi ng
national highway.
Aniya, pagkatapos ng pagsabog ay inatake pa
ito ng mga pinaniniwalaang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o
BIFF.
Pero agad naman aniyang nakapagresponde ang
pulisya at iba pang elemento ng 1st Mechanized Brigade dahilan para umatras ang
BIFF members.
Sa ngayon ay patuloy na pinaiigting ng
militar ang kanilang pagtugis sa mga nasa likod ng nasabing pag-atake.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento