(Kabacan, North Cotabato/ May 15, 2014) ---Aminado
si Board Member Loreto Cabaya ang may hawak ng Committee on Agriculture sa
Sangguniang Panlalawigan na ang mababang kalidad ng goma ang isa sa mga dahilan
kung bakit mababa ang presyo ng bilihan nito.
Ito ang sinabi sa DXVL News ng lokal na
mambabatas matapos na inirereklamo din ito ng mga magsasaka ng rubber sa
probinsiya.
Ginawa ng opisyal ang pahayag sa isinagawang
Launching of Shared Service Facility sa Philippine Rubber Testing Center na
isinagawa sa Crops Science Research Building, USMARC, USM, Kabacan, Cotabato
kahapon.
Giit ni Cabaya na dapat ay maging
operational sa pamamagitan ng re-luaching nito ang testing center sa tulong ng
mga bagong pasilidad na ibinahagi ng DTI 12 na isa sa mga inilatag na hakbang
ng pamahalaang probinsiya para malaman ang kalidad ng produkto ng goma.
Tinukoy pa nito na mababa ang presyo ng goma
dahil sa mababa ang kalidad ng produkto ng mga magsasaka bagay namang
inirereklamo ito ng mga rubber farmers.
Ito ang dahilan kung bakit masyadong mababa
rin ang bilihan sa pandaigdigang pamilihan at maging sa local market. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento