(Kabacan, North Cotabato/ December 2, 2014)
---Natangay ang isang motorsiklo matapos na nilooban ng mga di pa nakikilalang
mga magnanakaw ang isang bahay sa Sitio, Basak, Brgy. Kayaga Kabacan Cotabato
kahapon alas 4:30 ng madaling araw.
Batay sa report ng Kabacan PNP, kinilala ang may ari ng bahay na si Ginang
Zoraida Maguid Gulam, 39 anyos, may asawa at residente ng nasabing Brgy.
Ayon kay ginang Zoraida, pwersahang sinira
umano ang bintana ng kanilang bahay.
Ang motorsiklo na natangay ay isang Dayang
SRM 125E, kulay itim at may plakang 9385A. ang Ubox ng nasabing motor ay
naglalaman ng wallet at drivers license ng asawa ng ginang.
Sa ngayon, patuloy parin ang ginagawang
imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insedente.
Ito ayon kay PO2 Philip
Genove, ang investigator incharge ng nasbing kaso.
Kunektado ka sa mga balita, USM Devcom Intern, Mabeth Navarro, DXVL News
DXVL (Periodiko Express)
December 2, 2014
Bangkay
na natagpuan sa Matalam, Cotabato; di pa tukoy ang pagkakakilanlan
Hanggang ngayon ay hindi pa batid ng mga
otoridad ang pagkakakilanlan ng bangkay na natagpuan sa bahagi ng New Bugasong,
Matalam North Cotabato.
Sa report ni SPO1 Froilan Gravidez ng
Matalam PNP nito pang nakaraang Biyernes ng umaga natagpuan sa gilid ng
Malamote River, Sitio Igsuro, Brgy. New Bugasong sa nasabing bayan natagpuan
ang bangkay ng lalaki.
Dagdag pa ng opisyal na nasa “state of
decomposition” na ang bangkay kaya ipinalibing na lamang ito ng Alkalde ng
Matalam.
Napag-alaman na isang magsasaka ang nakakita
ng nasabing bangkay na edad 25-30 anyos at batay sa pagsasalarawan ng mga otoridad
ito ay may taas na 5’5 at nagtamo ng sugat sa noo.
Hindi pa mabatid ng mga otoridad kung
biktima ng summary execution o nag suicide ang biktima dahil di na ito
naisailalim sa otopsiya bagay na di rin malaman kung may foul play sa
pagkamatay ng biktima.
Kunektado ka sa mga balita, USM Devcom Intern, Ruth Oyao, DXVL News
DXVL (Periodiko Express)
December 2, 2014
Karpentero,
itinumba sa Matalam, Cotabato
Patay ang isang 28-anyos na karpentero
makaraang ratratin sa bahagi ng Brgy. Manubuan, Matalam, Cotabato kamakalawa ng
gabi.
Kinilala ng Matalam PNP ang biktima na si
Faisal Dumato , may asawa, residente ng Purok 7 ng nasabing bayan.
Sa isinagawang imbestigasisyon ng mga
otoridad pauwi na ang biktima buhat sa isang tindahan ng harangin ng di pa
nakilalang suspek at walang abu-abung pinagbabaril.
Nagtamo ang biktima ng tama ng bala mula sa
kalibre .45 na pistol batay sa mga bala na narekober sa crime scene.
Inaalam pa ng mga otoridad kung anu ang
motibo sa nasabing krimen
Kunektado ka sa mga balita, USM Devcom Intern, Desiree Baylon, DXVL News
NEWS:
Pilipino Star Ngayon
Karpentero,
itinumba sa Matalam, Cotabato
(Kabacan, North Cotabato/ December 2, 2014)
---Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang 28-anyos na karpentero makaraang
ratratin sa bahagi ng Brgy. Manubuan, Matalam, Cotabato kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng Matalam PNP ang biktima na si
Faisal Dumato , may asawa, residente ng Purok 7 ng nasabing bayan.
Sa isinagawang imbestigasisyon ng mga
otoridad pauwi na ang biktima buhat sa isang tindahan ng harangin ng di pa
nakilalang suspek at walang abu-abung pinagbabaril.
Nagtamo ang biktima ng tama ng bala mula sa
kalibre .45 na pistol batay sa mga bala na narekober sa crime scene.
Inaalam pa ng mga otoridad kung anu ang
motibo sa nasabing krimen. Rhoderick
Beñez
DXVL (Periodiko Express)
December 2, 2014
Mahigit
1 libung mga kabataan, benepisyaryo ng Feeding Program ng MSWDO Kabacan
Patuloy ngayon ang isinasagawa ang libreng
Supplementary Feeding Program ng Municipal Social Welfare and Development
Office ng Kabacan.
Ayon kay Nutrition Officer Virginia Solomon
nasa 1,540 na mga kabataan na nasa ilalim ng Day Care center mula sa
iba’t-ibang barangay sa bayan ng Kabacan ang nabiyayaan na nito.
May fund allocation ito na 1,600 kada araw.
Ito ay ayon sa Utos ng Department of Social
Welfare and Development upang mapababa ang usapin sa malnutrisyon sa buong
bansa. Tatagal ng 120 days o apat na
buwan ang naturang programa.
Kunektado ka sa mga balita, USM Devcom Intern, CHARLENE JOY BASAL, DXVL News
0 comments:
Mag-post ng isang Komento