(USM, Kabacan, North Cotabato/ December 3,
2014) ---Sisimulan na ngayong araw na ito ang taunang University Faculty and
Staff Meet na magtatapos naman bukas.
Dadaluhan ito ng lahat ng mga faculty and
staff ng unibersidad kasama na rin ang lahat ng personnel sa bureau of
fisheries and aquatic resources, Philippine Carabao Center, Cultural Training
Institute, Usm KCC at USM Buluan Campus.
Kinakailangan naman na dumalo ang lahat ng
mga estudyante sa unibersidad para sumuporta sa kani-kanilang mga guro.
Nakahanda naman ang lahat ng mga security
forces para matiyak ang seguridad sa gaganaping aktibidades.
Hinikayat naman ni USM President Francisco
N. Garcia ang lahat na makilahok sa naturang aktibidades upang ng sa ganon
makasalamuha ang iba pang kasamahan sa trabaho.
Kunektado ka sa mga balita, USM DevCom
Intern, Ruth Oyao, DXVL News
DXVL (The Morning News)
December 3, 2014
December 3, 2014
President
Roxas PNP, nagbigay ng paalala sa mga Motorista
Nagbigay ng paalala si Traffic Officer ng
President Roxas PNP SPO1 Jessi Rasgo sa lahat ng mga motorista na dumadaan sa
may bahagi ng Brgy. Greenhills, pres. Roxas North Cotabato.
Ito ay matapos ang nangyaring aksidente,
pasado alas onse, kahapon ng umaga.
Ayon sa report ng President Roxas PNP,
nawalan umano ng preno ang isang pampasaherong jeep dahilan para mahulog ito sa
bangin ng nasabing lugar na ikinasugat ng 16 na trabahante ng isang
construction site kasama na ang drayber nito.
(Voice
Clip SPO1 Rasgo) yan ang tinig ni Traffic Officer ng President Roxas PNP SPO1
Jessi Rasgo
Kunektado ka sa mga balita, USM DevCom
Intern, Dess Baylon, DXVL News
DXVL (The Morning News)
December 3, 2014
December 3, 2014
PAMPASAHERONG
JEEP NAHULOG SA BANGIN, 17 SUGATAN, SA ANTIPAS NORTH COTABATO.
Nahulog ang isang pampasaherong jeep sa
bahagi ng Barangay Greenhills, Antipas, North Cotabato, pasado alas onse ng
umaga kahapon.
Ayon sa sinabi ni SPO1 Jessi Rasgo ng Pres.
Roxas PNP, sumabog umano ang preno na naturang Jeep na may plakang MVE 503
dahilan upang mawalan ito ng control na ikinabangga sa railings at diretsong
nahulog sa bangin ng nasabing lugar na ikinasugat ng 16 na construction worker
at drayber nito na patungo sana sa CFCST.
Kinilala ang mga sugatan na sina: Reyno
Dariana 26 y/o katidtuan, John Ortouste 29 y/o Osias, Johnny Bilway 44 y/o
osias, Armando abaya 29 y/o dagupan, Arnel Balake 41 y/o Dagupan, Alfredo
Balanag 46 y/o Osias, Ian Jay Castillo 28 y/o Dagupan, Johnray Sumbe 30, Osias
at Jay Layagan 36 na pawang taga ng Kabacan Cot.
Kabilang din sa mga sugatan sina: Allan
Jaman 31 y/o Pikit, Lee Ciano 30 y/o Kidapawan City, Ian James Sagudang 21 y/o
malamote, Edison Molao Pagalungan Maguindanao, Jeno Cawangin 21 y/o Malamote
Matalam, Norhan Alon 19 Pagalungan Mag. at ang drayber na si Datuputi Matalam
30 y/o Pikit.
Isinugod ang mga biktima sa Antipas Medical
Specialist.
(Voice
Clip SPO1 Rasgo) ang tinig ni Traffic Officer ng President Roxas PNP SPO1 Jessi
Rasgo
Kunektado ka sa mga balita, USM DevCom
Intern, Charlene Basal, DXVL News
DXVL (The Morning News)
December 3, 2014
December 3, 2014
Pitong taong gulang pababa na anak ng mga
kawani ng USM, mabibigyan ng pamaskong handog
Mabibigyan ng pamaskong handog ang mga
batang pitong taong gulang pababa na anak ng mga kawani ng Unibersidad ng
Katimugang Mindanao.
Ito ayon sa panayam kay USM President
Francisco Gil N. Garcia, sa panayam ng DXVL.
Ang programang ito ay isang pasasalamat na
gaganapin sa USM Gymnasium ngayong ika-17 ng Disyembre 2014.
Sinigurado naman ni Pres. Garcia na magiging
masaya ang programang ito.
(VO: Pres. Francisco Garcia)
Bagamat may nilulutong pamaskong handog naman
ang Unibersidad para sa mga kawani nito, tumanggi pa muna itong ihayag ng USM
Pres. Francisco Garcia.
(VO: Pres. Francisco Garcia)
Kunektado ka sa mga balita, USM DevCom Intern,
Mabeth Navarro, DXVL News
0 comments:
Mag-post ng isang Komento