Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bayan ng Kabacan, naka-heightened alert na para sa yuletide season

(Kabacan, North Cotabato/ December 10, 2014) ---Naka-heightened alert ngayon ang Kabacan PNP makaraang pasabugan ang Rural Transit sa lalawigan ng Bukidnon na ikinamatay ng labing-isa katao.

Ito ang mensahe ni Police Chief Inspector Ernor Melgarejo sa panayam sa kanya ng DXVL News.


Aniya, nakalatag na umano ang security plan ng Kabacan upang maiwasan ang mga kahalintulad na mga pangyayari.

Kaugnay nito, patuloy umano ang area security coverage sa mga matataong lugar, checkpoints, chockpoints, visibility at foot patrol sa mga pangunahing lansangan.

Dagdag pa niya sa katatapos na Provincial Peace and Order Council Meeting naging mataas umano ang nakawan ng motor at paggamit ng iligal na droga sa crime index ng Kabacan kaya naman patuloy ang kampanya kontra iligal na droga na siyang ugat ng iba’t ibang krimen dito sa bayan.

Nag-iwan naman ng mensahe si Insp. Melgarejo sa mga mamamayan ng Kabacan para sa darating na yuletide season.

(V.O) ang tinig ni Police Chief Inspector Ernor Melgarejo

Kunektado ka sa mga balita USM Devcom Intern, Desiree Baylon DXVL News






DXVL (Periodiko Express)
December 10, 2014

36th CAS Founding Anniversary, Gaganapin bukas
Gaganapin ang 36th Founding Anniversary ng College of Arts and Sciences ng University of Southern Mindanao na may temang “Embracing green technology”.
Magiging guest of honor and speaker sa pagdiriwang na ito ang Faculty ng Bukidnon State University na si Prof. Alwielland Q. Bello at magbibigay din ng kanyang mensahe si USM Pres. Dr. Francisco Gil N. Garcia.
Kaugnay ng naturang programa ay mabibigyan din ng parangal bilang Outstanding Student si  DN Abubakar Murray ng Department of Biology,  kabilang din sa mga finalist bilang Outstanding Student sina Jenemarie Sobejana, Berliza De Guzman, at Loraine Canay.
Pararangalan din ang mga Chemistry Board Passers na sina Ann Alfaro, Alijandra Dean, Chiara Dela Torre, Maria Graceli Kay Enricoso, Regine Flores, Jan Carl Panoso, Iosef Sinco, at Joselito Tolentino.
Gayun din ang mga Psychometricians board passers na sina Prof. Khadiguia Balah, Sander Von Baylon, at Elisa Mae Gura.
LET passers na sina Claribel Maguate, Jemima Atok, Sarah Padernilla, Jepte Dagum, Mariam Pacleb, at Marissa Nonesa. Librarian board passer na si Claire Therese Amular. Medical board passer na si Carol Gaspar.
Presidential awardee naman ng PCAP si Dr. Richard T. Camara.
Bibigyan din ng Loyalty Award sina Dr. Leorence Tandog, Dr. Riceli Mendoza, Dr. Sedra Murray at Prof. Virginia Amacio.
Sisimulan ang programa ng parada, alas- syete bukas ng umaga at iilan pang mga aktibidad sa hapon.
Kunektado ka sa mga balita USM Devcom Intern, Mabeth Navarro DXVL News


DXVL (Periodiko Express)
December 10, 2014




DXVL (Periodiko Express)
December 10, 2014

22nd Foundation Anniversary ng CBDEM, ipagdiriwang ngayong byernes
Ipagdiriwang ang 22nd Foundation Day Anniversary ng College of Business and Economic Management o CBDEM ngayong byernes.
Pangungunahan ang naturang programa ng College Dean ng CBDEM  na si Dr. Jul-aida U. Enock kasama ang mga CBDEM faculty members na kung saan sa ganap na alas 5:00 ng umaga ay gagawin ang Zumba Dance habang alas 9:00 naman pormal na magsisimula ang programa.
Magiging panauhing tagapagsalita naman ng nasabing okasyon ang Regional Executive Director ng Department of Agriculture Region XII, Amalia J. Datukan, kung saan bibigyang diin nito ang temang “Making pieces fit for the ASEAN Economic Integration at magbibigay naman ng mensahe si USM Pres. Dr. Francisco Gil N. Garcia.
Samantala nagsimula naman ang kanilang trade fair noong lunes at inaasahan naman na magkakaroon pa ng ilang mga aktibidadis ngayong darating na byernes.
Kunektado ka sa mga balita USM Devcom Intern, Ruth Oyao DXVL News









DXVL (Periodiko Express)
December 10, 2014

Club Shooting isasagawa sa bayan Kabacan
Isasagawa ang isang club shooting na gaganapin sa USM PCC Firing range Kabacan Cotabato ngayong Biyernes.
Ang aktbidad na ito ay tatagal ng isang buong araw na pangungunahan ng Golden Grain Fellowship Club Shoot sa pangunguna ni Dr. Cedric Mantawil at sponsor naman dito si Mayor Herlo P. Guzman Jr.
Ayon kay range master Latip Akmad layunin ng aktibidad ang responsableng at tamang paggamit ng baril.
Ito ay sa pakikipagtulungan ng mga BPAT, Local Government Unit ng Kabacan at ng Kabacan PNP.
Ang naturang aktibidad ay may registration fee na nagkakahalaga ng 100pesos na bukas naman para sa lahat ng interesadong sumali.
Kunektado ka sa mga balita USM Devcom Intern, Charlene Basal DXVL News


0 comments:

Mag-post ng isang Komento