Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

145 na mga mag-aaral ng ULS-USM, sumailalim sa U4U program ng Population Commission

Photo: FB of Kgd. Jonathan Tabara
(Kabacan, North Cotabato/ June 19, 2015) ---Sumailalim sa programang U4U ang nasa 145 na mga mag-aaral ng University Laboratory School ng University of Southern Mindanao sa ULS Convention Center kahapon.

Ayon kay Provincial Population Officer Junmar Gonzales sa panayam ng DXVL News Radyo ng Bayan na layon ng nasabing programa na labanan ang lumalalang  kaso ng teenage pregnancy at pagkakasangkot ng mga kabataan sa pre-marital sex at maagang pagbubuntis ng mga teenager.

Ito ay isang programa ng National Government katuwang ang Population Commission.   

Sa naturang aktibidad, dito ipinaliwanag sa kanila ang mga physical changes at ang proseso paanu mabuntis ang isang babae.

Kailan maari at di maaring mabuntis ang isang babae.


Pinaka-pokus ng nasabing programa ay ang panganib ng maagang pagbubuntis sa mga teenager, ayon pa kay Gonzales. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento