(Kabacan, North Cotabato/ June 18, 2015) ---Pormal
ng magsisimula ngayong araw ang Holy Month of Ramdan, batay sa ginawang
anunsiyo ng Darul Ifta, organization of Islamic Scholars.
Ito ang sinabi sa DXVL News ni Sultan sa Lanang
Prof. Salik Makakena matapos ang ginawa nilang moon sighting nitong Martes.
Paliwanag ni Makakena na dahil sa hindi
nakita ang buwan, Martes ng gabi kaya ngayong araw na ang opisyal na
pagsisimula ng pag-obserba ng banal na buwan.
Nagsimula na rin kagabi ang pagsambayang o
ang pananambahan at ‘kanduli’ sa iba’t-ibang mga mosque na tinawag na ‘tarawi’.
Ang panahon ng Ramadan ay dito ibinigay ang
banal na kasulatan na Qur-an.
Kabilang naman sa ipinagbabawal sa panahon
ng Ramadan ay ang kumain, mag-inom, makikipagtalik sa kanyang asawa lalo na sa
hindi niya asawa kung araw, ayon kay Makakena.
Nagbigay naman ng mensahe si Sultan sa Lanang
Prof Makakena sa lahat ng umu-obserba ng ‘fasting’ na ito ay pagkakataon na
humingi ng kapatawaran. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento