(Kabacan, North Cotabato/ June 12,
2015) ---Isinagawa ang Gun Safety and Responsible Gun Ownership Seminar ng
Kabacan PNP at LGU Kabacan sa Municipal Gym ngayong araw.
Ayon kay PSI Ronnie Cordero sa
panayam ng DXVL News, tinatayang nasa humigit 100 na mga partisipante mula sa
sa mga BPAT at mga gun owner sa bayan ang dadalo sa nasabing aktibidad.
Inaasahang dadalo sa nasabing
aktibidad sina ABC President Ramundo Gracia, Vice Mayor Myra Dulay Bade at
Mayor Herlo Guzman Jr.
Kasama sa mga maglelecture sa nasabing
Gun Ownership Seminar sina PCI Ramil Hojilla, Dr. Cedric Mantawil at Latip
Akmad.
Layon ng nasabing aktibidad ay upang
maturuan ang mga gun owners at mga BPAT sa tamang paraan ng pagdadala ng baril
na siyang katuwang ng LGU Kabacan at Kabacan PNP sa pagpapanatili ng Peace and
Order sa bayan. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento