Mayor Herlo P. Guzman Jr. |
Vendor at Aglipay St. |
(Kabacan, North Cotabato/ June 8, 2015) ---Nagpa-abot
ng reklamo ang isang tindera sa pamamagitan ng sulat hinggil sa pag-haharass umano ng isang
gwardya sa Aglipay Street, Kabacan, Cotabato.
Inihayag ng ginang sa kanyang sulat na
hinaras umano sila ng gwardya na nag-ngangalang Enteng Omagap dun sa kanilang
mga pwesto sa Aglipay Street.
Pina abot din ng Ginang sa sulat na may
binubuhay siyang pasyente at binibilhan ng gamot. Kung papaalisin umano sila ay
mahihirapan na siyang humanap ng ikabubuhay.
Sa eksklusibong panayam ng DXVL news sa Ginang,
inihayag nitong sana’y maging patas at pantay ang pag-clearing kung iuurong ang
kanilang pwesto.
Dagdag pa ng ginang na wala umanong abiso sa
kanila basta na lang daw dumating ang grupo nila Omagap at pinag-haharas sila.
Nais din umano ng ginang na magkaroon sana
sila ng vendors association upang madaling mapag usapan kung may problema
ngunit takot umano ang kanyang mga kasamahan dahil sa nasbaing insidente.
Aniya, matumal din umano ang kanilang kita
sa pagbebenta ng mga rekado at gulay.
Ipinaliwanag din ng ginang na ang isa sa
dahilan ng pagsisikip ng trapiko sa Aglipay street ay ang mga naga bulante sa
mismong harapan ng pwesto nila.
Samantala, agad namang sinagot ni Kabacan
Mayor Herlo Guzman Jr. ang naturang reklamo.
Sa panayam ng DXVL news ipinaliwanag ni
Mayor Guzman na may direktiba siyang ipagilid ang mga pwesto upang maging
maluwag ang daanan at maisa-ayos ang trapiko sa Aglipay Street papuntang
simbahan ng Katoliko.
Inihayag din ng alkalde na pinapayagan
nitong magkaroon ng tindahan ngunit ang hindi umano pinapayagan ay ang gumawa
pa ng extension sa tindahan. Dagdag pa ng alkalde na wala siyang direktiba na i-harass
ang mga tindera.
Samantala, ipinaliwanag din ni Mayor Guzman
na wala siyang kinikilingan kahit kamag-anak pa niya. Pantay umano ang kanyang
pagtingin maging Kristiyano man o Muslim.
Nagparating din ng isa pang reklamo ang
ginang kay Mayor Guzman.
Isa umano sa dahilan ng pagsisikip ng trapiko sa
Aglipay street ay ang mga naga bulante sa mismong harapan ng pwesto nila.
Kaagad namang sinagot ni Mayor Guzman ang
hinaing ng ginang.
Nais din ni Mayor Guzman na sa matuwid na
daan at sa pag-unlad ng Kabacan ay kasama ang mga negosyante.
Dagdag pa ng alkalde na pwedeng makipag
appointment sa kanya ang sino mang nais siyang maka-usap kahit ano mang oras.
Binigyang diin din ng alkalde na ang
ginagawa niya ay para sa ikaka-unlad at ikabubuti ng nakararami at hindi para
sa isa o iilang tao lamang. Christine
Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento