(Amas, Kidapawan city/ June 11, 2015)
---Upang madagdagan ang ani ng mga magsasaka ng palay at isulong ang rice
self-sufficeincy, namahagi kamakailan ng fertilizer ang Office of the
Provincial Agriculturist para sa mga rice farmers.
Nagmula ang pondo ng
programa sa Department of Agriculture 2013 Agri-Pinoy Rice Achievers Award na
iginawad sa lalawigan bilang isa sa top ten producers ng palay sa buong bansa.
Ang
aktibidad ay dinaluhan ng 75 opisyales at representante ng 16 na SWISA at 3
organic farmers group na kinabibilangan ng Don Bosco Multipurpose Cooperative,
BINDISYON at MASIPAG.
Ayon
kay Fidel Raya, ang Provincial Rice Coordinator ng Cotabato, ang fertilizer
assistance na ito ay may patakarang roll-over scheme na nakalaan sa mga rice
areas na hindi bahagi ng national at communal irrigation system particular para
sa mga kasapi ng Small Water Irrigation System Association o SWISA at organic
rice practitioners.
May
kabuuang 4,000 bags ng organic fertilizers para sa mga organic rice
practitioners at 2,384 bags ng synthetic fertilizers ang naipamahagi sa mga
kasapi ng SWISA, pahayag naman ni Provincial Agriculturist Eliseo Mangliwan.
Nagbigay
din ng mensahe sa mga magsasakang recipient sina Board Members Loreto Cabaya at
Cris Cadungon sa aktibidad bilang mga representative ni Gov. Emmylou “Lala” J.
Taliño-Mendoza.
Ang
mga magsasakang beneficiaries ng programa ay nagmula pa sa mga bayan ng Matalam, Pigcawayan,
Midsayap, Aleosan, Tulunan, Arakan, Carmen at Kidapawan City.
Ang
Fertilizer Assistance Program ay ipinatutupad ng OPA bilang bahagi ng
Serbisyong Totoo program ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gov.
Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza. RUEL
L. VILLANUEVA
0 comments:
Mag-post ng isang Komento