Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bangkay na palutang-lutang sa Kabacan river, kinilala na!

Photo by: PI Arvin John Cambang
(Kabacan, North Cotabato/ June 8, 2015) ---Kinilala na ng Kabacan PNP ang bangkay na nakitang palutang-lutang sa Kabacan river sa bahagi ng Sitio Lumayong, Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato noong Biyernes Hunyo 5, alas 7:00 ng umaga.

Sa panayam ng DXVL news kay PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP, kinilala nito ang biktima na si Jackson Mangkong Salvador, 29 anyos, binata at residente ng Tandang Sora Street, Purok Krislam, Poblacion Kabacan, Cotabato.


Inihayag ng opisyal na 2 araw na umanong nawawala ang biktima ayon sa kanyang ama na si Sacaria Mangkong at may deperensiya sa pag-iisip.

Inaalam pa kung may sugat o pasa ang biktima o may ‘foul play’ sa pagkamatay nito, ayon kay Cordero.


Samantala dinala naman sa Villa Jusa Funeral Homes ang bangkay ng biktima habang patuloy pa ang imbestigasyon sa pagkamatay nito. Christine Limos

0 comments:

Mag-post ng isang Komento