(North Cotabato/ June 11, 2015) ---Nasa 69 na mga
magsasaka mula sa mga bayan ng Arakan, Antipas at Pres. Roxas sa North
Cotabatol nagging benepisyaryo ng mga livestock mula sa Animal Dispersal
Program ng Office of the Provincial Veterinarian o OPVet.
Ayon kay Provincial Veterinarian Dr. Rufino
Sorupia, abot sa sampung mga benepisyaryo ang nakatanggap ng alagang baboy, 20
ang tumanggap ng 52 kambing at 34 naman na mga baka ang naipamahagi sa Antipas.
Habang siyam na mga benepisyaryo ang
tumanggap ng 23 kambing at tatlong baka sa Pres. Roxas at tatlong magsasaka
naman sa Barangay Badiangon at Doruluman, Arakan ang nakakuha ng tatlong baka.
Sinabi ni Sorupia na ang mga benepisyaryo ay
pinili sa pamamagitan ng screening at validation na isinagawa ng mga staff ng
OPVet.
Naniniwala rin ang opisyal na ang mga hayop
ay malaking tulong sa mga magsasaka upang makapagsimula ng kanilang hanapbuhay
sa larangan ng pag aalaga ng mga hayop. (Cotabato
PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento